Tuesday, February 24, 2009
Rosas
Darating ang panahon
‘di na ‘ko kayang
buhatin ng dalawa
Kapag ang talulot ng rosas
ay mangitim at malanta
Kapag napagod
at yumuko na ang sanga
H’wag mo sanang itapon
mumunti kong alaala
Tuyong bulaklak
na minsa’y nagdulot ng saya
H’wag sanang limutin
Maski na kailan pa
H’wag ilagay sa kahon
na may disenyong magara
H’wag din sa paso
o isabog sa lupa
Nais kong humimlay
Sa mga aklat at pahina
Nang sa’yong pagbabasa
Muli tayong magkasama
an image of a dying rose came to my mind and an urge to write in Tagalog could not be contained.Language finds its way back to origin, back to my own.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Aww, very touching!
ReplyDelete